NO CHOICE NGA BA?
- Sunder Val Mesurado
- Jul 23, 2014
- 2 min read
Marami sa mga Pinoy ang nagsasabing
“No-choice daw”?
NO CHOICE nga ba?
Sa totoo marami tayong choice nga lang nasasaatin
parin ang desisyon.
Ito’y isang senaryo na madalas nangyayari sa mga kabataan ngaun, kapag tinanung mo ng.. “Ano gusto mo maging ?” pansinin mo kadalasan ang isinasagot nila ay.. gusto ko po maging
· DOCTOR!
· NURSE!
· ENGINEER!
Remember:
“Ang pag-aaral ay isang proseso kung saan dapat mong iaapply ang natutunan mo para makuha mo ang iyong pangarap.”
Pero wag ka, marami ang nag aral ngayon na ang dahilan nila ay:
Yon ang kinuha ko kasi sabi ng magulang ko yon ang kunin ko.
Kasi sabi ng bff ko best friend for life sama-sama kami lage.
Kasi sa lahat ng pila yun lang ang may kakaunting nakapila.
Pano ito maitatama?
So dapat magplano ka ng mga hakbang mo sa buhay, kung Lifesytle, Estudyante, Professional or Entreprenuer ka or kung anu man ang gusto mong maging, dapat nakaplano yun.
Marami kasi satin nakakaligtaan mag visualize, gumawa ng list or yong mag plano sa buhay bago gumawa ng isang hakbang o desisyon. So dapat pala tlaga na may plano ka sa buhay.
Kung ang bahay, malls, tulay ay may plano ikaw pa kaya?
Iyan kasi ang mga checklist mo at isa-isa mong chechekan kapag natapos muna , so kung hindi mo pa nakukuha yong isa stay ka lang dun.
“You can climb the ladder of success dress in the
custome of failure” - Mr. Ramil de Guzman my late prof. in college
Makukuha mo yong success mo kung makakaranas ka ng mga kabiguan sa buhay. Kasi eto yong magiging stepping stone at motivation mo. Pero marami satin una palang bumibigay na, so panu to maiiwasan?
Bakit hindi mo gawin payapa ka ngayon kung saan dun mo gawin ang mga bagay na dapat mong gawin sa ngayon?
Parang ganto mas maraming mahuhuling isda kung payapa ang
dagat.
Ngalang marami satin saka palang gagawa ng hakbang kung
huli na ang lahat o malala na ang sitwasyon.
So kung wala kang alalahanin ngayon bakit hindi mo subukan?
Hihintayin mo pa bang dumaanas ka ng ganon?
KAPAG NAGTAMA ANG SOLUSYON AT ANG PANGANGAILANGAN, GAGAWIN MO ANG ISANG BAGAY KAHIT HINDI KA UTUSAN. Tama?
Kasi dun mo talaga marerealize dapat kang may gawin sa buhay.
“PLAN your life, it is not easy to get your
success but surely when you get there one thing
for sure you will say. BUTI NALANG! Ginawa
ko…”
Comments