top of page

Swertihan lang!

  • Writer: Sunder Val  Mesurado
    Sunder Val Mesurado
  • Oct 10, 2014
  • 4 min read

ANG TUMAL NG BYAHE NGAYON

jeep.jpg

Nung August 6, 2014 sumakay ako ng jeep papuntang SM magbabayad kasi ako ng

remittance. Syempre the usual ako yung gusto lage naka upo sa may banding unahan tapos papanuorin ung mga nadadaanan nung jeep magandang bahay, kotse at minsan chicks hehehe.

Sa katagalan eh napansin kong dumadami na yong sakay ni manong driver ako naman ay parang konduktor taga abot ng bayad. May sumakay na lalake, mukhang kakilala ni

manong driver. Hindi nga ako nagkamali kasi biglang nag kwento yung lalake kay manong. Sakasarapan ng kwentuhan nila eh pati ako nakikinig narin ang dami kasi nilang pinagkukwentuhan. Tapos na lipat ng lalake yung topic

sa matumal na byahe ngayon. Sabay sabi ni manong driver eh “Swertihan lang” pag may pasahero ka oh wala. Bigla akong napaisip gusto ko sanang sumabat pero nakinig nalang ako, kunwari hindi nakikinig, patay malisya syempre baka sabihing tsismoso ako diba? Bumaba nako at nagtungo sa pupuntahan ko habang ginagawa ang transaction ko that day hindi mawala yong sinabi ni manong driver sa isipan ko.

Swertihan nga lang ba talaga?

Ibig sabihin eh lahat ng gagawin ni manong inaayon sa swerte o kapalaran, parang dice pag six lucky pag 5 below unlucky. Para talaga akong nalungkot ng araw na yon ewan ko ba?

Bigla ko tuloy naalala yong ginawa kong ebook “BAKIT SILA HINDI AKO”. Dun kasi eh

nabanggit ko ang mga pamahiin. Ano ba yong pamahiin na sinasabi nating mga pinoy?

Ang pamahiin ay paniniwala nating mga pinoy na walang concrete explanation na patuloy nating isinasabuhay.

Halimbawa nito:

Bawal maglabas ng pera sa gabi

Bakit: Kasi mamalasin ka

Bawal din magwalis ng gabi

Bakit: Aalisan ka daw ng swerte.

AT bawal ka daw makasalubong ng itim na

pusa

Bakit: Senyales daw ito ng may masamang

mangyayari.

Isipin mo lahat ng yan eh walang concrete explanation pero nangyayari minsan kasi iyon yung lage nating iniisip kaya tuloy pag nangyari hala TOTOO nga ano?

Pero isipin mo bakit nga ba nangyayari ang mga bagay-bagay tulad ng nag-iisip ka ng di maganda tapos malalaman mo nalang eh nangyari sa kakilala, kaibigan at kapamilya mo.

Ok, bigyan ko ng kaunting diin? Ganito kase, lahat ng mga iniisip natin ay talagang

PWEDENG magkatotoo. Hmm teka panu ko naman nasabi? Naalala mo yong minsan

nakakita ka ng aso tapos sabi mo sasarili mo masasagasaan yan. Tapos nangyari? Naalala mo minsan ma pa-paused kanalang kasi parang nangyari nato sakin ah. Tapos sabi mo oo nga eto yong inisip ko noon, tama?. At naalala mo din ba na nakagawa ka ng mali sa magulang mo. Tapos pag uwi mo napalo ka, kasi inisip mong papaluin ka.

Nangyari diba? Tama?

Actually may explanation talaga dyan pero may sasabihin ako sayo pero sana pag sinabi ko sayo ito eh puros POSITIVE nalang ang

iisipin mo ha promise? Eto yon. Lahat kasi eh bunga ng imahinasyon, na dahil

inisip sya nuon eh nagkatutuo, tulad mo na inisip ng mga magulang mo kaya ikaw ang

nabuo.

So, ibig sabihin salahat ng iisipin mo mahalaga eh tama sya kasi pag negative yan eh

pustahan maghapon badtrip ka. Sa umaga palang kasi eh hanggang hapon puros

NEGATIVE nayang nasa isipan mo. Kaya tuloy ang result nyan ay puros sakit ng ulo, parang kanta lang tuloy ng PUSONG BATO. Oh wag mag senti ha nag promise kana ok?

Balik tayo ke manong driver, hindi kasi ako naniniwala na SWERTIHAN lang ang

pagbibiyahe minsan malakas minsan mahina.

Ok bakit ko nasabi?

Una: Kasi aminin natin late kanang gumising kaya wag kang magtataka pag labas mo wala kanang pasahero malamang nakapasok ng

lahat.

Pangalawa: Eto yong hindi alam ng nakararami, masipag sila oo pero dahil sa

sobrang sipag nakalimutan na nilang mag-isip. Para kasi sakin kung iisipin ni manong, saan ako muna unang paparada sa umaga? Sa mga papasok ba na student o nagtatrabaho? Patanghali eh san yong kahit patay oras may

mga taong lumalabas? So, ibig sabihin mahalagang pag-aralan mo muna ang gagawin

mo kinabukasan para hindi masayang ang oras mo. Saganityong paraan eh hindi kamawalan ng pasahero.

Pangatlo: Marami nahihirapan na eh hindi parin tumigil, hindi para walang gawin ha

kundi para mag hanap ng mas magandang oportunidad salabas maraming pwedeng gawin nga lang dahil iniisip mo eh eto na kasi ako, wala na, hindi mo tuloy nagagawa ang dapat mong gawin. Ika nga ng mga mayayamang tao wag kang makuntento ibig sabihin dapat may iba kapang pwedeng gawin maliban dyan.

Kaya tingnan mo sila lalong yumayaman kasi ang dami nilang pinagkakaabalahan. Kasi

aminin natin o hindi pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho ayon hilata na and

bahala nalang bukas.

Papaano bukas? Ano yong solution mo kung biglang nawala yan sayo?

Kitam nakapag-isip ka tuloy.

Walang swerte na tao kaya nasasabi mo lang kasi hindi mo alam yong mga pinagdaan ng mga taong nakakagawa nun. Salahat ng pwede mong gawin dapat may tamang diskarte ka, hindi ito usapin ng may tinapos o wala kundi papaano mo maiaahon ang family mo sa buhay para umasenso.

 
 
 

Comments


Sunder Val Mesurado -
Entrepreneur, Speaker & Author

A separated man with two kids and survived in all the trials in life.  I may say I’m not an expert with all the trials but honestly ...

NETWORK
REVOLUTION

 

FREE TRAINING
(Valued at Php 2,995.00)
 

 

I stopped doing,

but no to think.

Business Plan

Writing A-Z

 
FREE COURSE
(Valued at $250)
 

Learn all you need in order to create a

stellar business plan for your endeavor!

My eBook
 

FOUR CYCLE OF SUCCESS

"Kapag maliit ang kumot matutong

mamaluktot"

Search By Tags

©2014 by EXOUSIA. Proudly created with Wix.com

  • Facebook Black Round
  • Google+ Black Round
bottom of page