YOU ARE MORE THAN A CONQUEROR
- Sunder Val Mesurado
- Oct 26, 2014
- 3 min read

Bakit kaya sa lahat ng tao sa mundo ako yong binigyan ni God ng ganitong problema? Ito ang lagi kong tanong sa tuwing nakaka encounter ako ng very tough decision at tough situation.
October 26, 2014, Today! nagpapasalamat ako ke God dahil binigyan nya ako ng mga taong laging nandyan na kahit na ang dami kong nagawang kapalpakan sa buhay eh nandyan parin.
Hello magandang araw!
Today, ang ating pag-uusapan ay based sa mga naranasan ko from the past at ano ung ginagawa ko para ma over-come yong trials nayon. Isang maigsing salaysay lang naman ito.
Bakit kaya sa lahat ng tao sa mundo ako yong binigyan ni God ng ganitong problema? Ito ang lagi kong tanong sa tuwing nakaka encounter ako ng very tough decision at tough situation.
Lumaki kami ng walang ama, dahil dun napilitan si mama na makipag sapalaran sa ibang bansa. Lumaki sa lola at maka lola spoiled kung baga. Alam ng iba kapag nasa abroad ang magulang eh asensado, pero iba kami parang walang pinagbago sa status ng buhay namin.
Nagbinata ako at si kuya ng walang magulang at nagkapamilya ng wala paring magulang. Sa madaling salita eh kami lang parati ni kuya. Dumating ang pagsubok, nangyari yong ayaw kong mangyari natulad ako sa aking ama. Oo, naghiwalay din. Sumubok ulit pero ganun parin, sububok at ganun parin. Pero iba ako kay tatay ako yung naiwan,nakakainggit kasi sya ang nang-iwan at ako ang laging naiiwanan.
Siguro mga tatlong beses akong naiwan, I’ve been cheated trice at ang pinakamasaklap meron akong karanasan na naiwan din nung high-school at pinakasal ang mahal ko sa iba, tanda ko nun anniversary namin yon. Ang sakit sobra. :'( Bumalik lahat nung sakit na naranasan ko ng pang-apat na beses naulit muli. Naiwan ulit ako. God ano ang gagawin ko? WHY LORD WHY ME?
Dumating sa punto na nakaisip na ako ng masama sa sarili ko. Pero paano nga ba ako naka recover?
Naiisip ko minsan kung hihinto ako maiiwan talaga ako, yes bumangon ako kahit mahirap talaga at kahit imposible eh nagawa kong makarecover agad. Sa iba depression ang tawag dito. Oh polar disorder kung hindi ako nagkakamali. Ang iba magpapagamot talaga at kukuha ng espesyalista para ma monitor ang condition na’to. Dahil sa totoo 90% ang average suicidal effect nito sa mga taong may ganitong condition.
Gumawa lang ako ng routine na hindi ko namamalayan, unti-unti na palang nawawala sa sistema ko ang condition na’to at dumating nga yong time. Yes! I’m finally recovered. Itinago ko talaga ito sa family ko kasi ayaw ko silang mag-alala. Sa madaling salita hinarap ko yong fear ko. Takot akong mag-isa, nag-isa ako sa boarding house. Takot akong lumabas, lumabas ako at humanap ng maiingay na tao kahit nonsense na kausap.
God is so good ayaw nya mapahamak ang anak nya. Aside from listening Gospel song, playing guitar, praising God eh binigyan nya ako ng pagkakaabalahan. Eto yong business na meron ako ngayon. Marami talagang ayaw sa ganitong sistema pero, para sakin eto yong dahilan kung bakit nawala yong COMFORT ZONE ko.
Apat kase na kailangan ng isang tao ang mga ito:
MENTAL 2. SPIRITUAL 3. INTELECTUAL 4. PHYSICAL
Kung bakit madali sakin na makarecover kase yan ang natutunan ko.
Yes! Bumalik ulit ako sa dating ako puno ng pag-asa sa buhay. At handing makipagsabayan sa naglalakihang alon sa buhay.
Ang masasabi ko lang. Lahat ng tao ay may kanya-kanyang alon na hinaharap sa buhay, maliit at malaki pero kung matatakot ka papaano mo malalagpasan? Humanap ka ng paraan para overcome mo. Pero ang tanging sekreto sa gusto mong tagumpay ay ang MANIWALA KA NA KAYA MO.
Yes! Kung ako nagawa, magagawa mo rin dahil anak ka ng Dyos. At isa kang mananagumpay! Claim your blessing kaibigan…
“YOU ARE MORE THAN A CONQUEROR.”
Comments