Mapalad ka dahil IKAW ay IKAW
- Sunder Val Mesurado
- Mar 1, 2015
- 2 min read
“Mapalad ka dahil IKAW ay IKAW” Written By – Sunder Val A. Mesurado

“Mapalad ang nagpapakumbaba, mapalad ang tao na nangangarap at naniniwala na balang araw ay matutupad.”
May pinaka paborito akong estorya sa bibliya, kung kaya nung nagka anak ako ipinangalan ko siya kay Joseph.
Si Joseph bago paman sya nakilala nung kanyang kasaysayan ay dumaan sa malalaking pagsubok sa buhay. Pero mapalad dahil sya ay kinalugdan ng panginoon at binayayaan ng espesyal na kakayanan. “Ang malaman ang panaginip ng mga tao.”
Dumating ang araw na dinaan sya sa pagsubok ng siya ay ipagbili ng kanyang mga kapatid sa mangangalakal ng panahong iyon. At duon na nagsimula ang kanyang pakikipagsapalaran sa buhay.
Naging alipin at napagbintangan na ginawan nya ng masama ang asawa ng kanyang panginoon ng panahon na iyon. Nakulong at buhat nuon naging bahagi na ng buhay nya ang piitan. Ngunit dahil sa mga pangyayari na hindi maunawaan ng mga tao, katulad ng mga panaginip; at usap-usapan na magaling magpaliwanag si Joseph ng mga panaginip sya ay naging tanyag.
Ngunit hindi lahat ng magagangdang bagay ay masusuklian ng kabutihan, tulad narin sa nangyari sa kanya na kinalimutan sya ng mga taong nagawan nya ng kabutihan. Hindi sya tumingin duon, bagkus mas mapalad pa sya dahil alam nya na malaking gantimpala ang kanyang makakamit galing sa ating panginoon.
At dumating nga ang araw, nang ang paraon ay nanaginip at sya ang nakapagpaliwanag ng panaginip na yon.
Mula nuon nagbago ang antas ng kanyang pamumuhay at dahil sa pag-ibig ng panginoon sa kanyang puso, nagbuklod muli ang kanyang pamilya..
Mapalad ang nagpapakumbaba, mapalad ang tao na nangangarap at naniniwala na balang araw ay matutupad. Tulad ni Joseph dumaan sa mabibigat na pagsubok ngunit hindi nagpatinag sa mapang hamong buhay.
Ang Payo ko kaibigan!
SIMULAN MO, MANGARAP NG MATAAS. HUWAG MONG PANSININ KUNG SINO AT ANU ANG SASABIHIN NILA. BASTA MANIWALA KA KAYA MO, MATUTUPAD YON! DAHIL ANG PANGINOON NATIN AY SAGANA SA LAHAT NG BAGAY! IKAW NALANG ANG HINIHINTAY PARA KUNIN MO ITO.
Please! Wag mo palang kalimutang mag like at mag comment ha! Isama mo narin ang pag like sa page nato.
Kung gusto mo ng bagong matututunan! Click mo lang ang link sa baba at follow ang instruction para magkaroon ka ng access sa mga bagong babasahin at pinagkakaabalahan ko ngayon!
HANGGANG SA MULI KAIBIGAN! WAG KALIMUTAN! SIMULAN MO, SA PANGARAP ANG IYONG MINIMITHI! TYAK IKAW RIN ANG AANI.
follow me here
sign-up here
Comments