top of page

“DAHIL SA BREAKFAST NA LATE AKO”

  • By: Sunder Val A. Mesurado
  • Jul 18, 2015
  • 2 min read

“Minsan ang mga bagay na maliit in the

long run yon pala ang BIG THING.”

Late na almost 7:15 am ng natapos akong maligo at 8:00 am dapat nakapasok na ko sa office.

Habang nag aayos ng gamit nagluluto naman si misis. Napaisip ako, kakain ba ako? Pero saying naman ang pinaghahanda ni misis.

Nagsabi ako:

Me: Hindi na ako makakakain ha late na kasi ako.

Napatingin lang sya at parang nalungkot.

Misis: Okay sige.

Napatingin ulit ako, sabay bulong. :)

Me: Okay lang ma late basta kakain ako.

Nakita ko yung ngiti sa kanyang labi.

Hindi na ako nag sabi pa, kumain nalang ako at pansin ko talagang napasaya ko sya.

Bagay na hindi ko kayang palitan ng kahit ano.

Umalis na ako at nagpaalam. Sobrang sarap sa pakiramdam.

Marahil marami sa atin super busy sa kanya-kanyang patutunguhan sa trabaho, school o sa business. Lalo sa umaga, pero minsan hindi natin namamalayan sa kabila ng pagpoporsige natin sa buhay at OO nakakapag bigay tayo ng pera o panggastos etc., sa pang araw-araw. Nakakalimutan na natin bigyan ng oras ang ating mga mahal sa buhay. Lalo na sa simpleng almusal sa hapag kainan. Yon kasi ang bonding na pwede kayong mag-usap at magtanungan ng mga bagay-bagay.

Malaki ang maitutulong nito upang mas lalo nating mapagbuklod ang ating pamilya. Simpleng bagay kung titingnan pero malaking impact sa relasyon..

Naway may napulot kayong aral sa simpleng babasahin na ito. Kung gusto nyo ng libreng babasahin pwede kayong mag subscribe sa aking free news letter at dyan i sesend sa inyo via email.

Pede moring i request ang mga babasahin sa ads dito. Just follow molang ang command sa mga link.

So papaano hanggang sa muling chikahan.

Wishing you more success.

07-18-15


 
 
 

Comments


Sunder Val Mesurado -
Entrepreneur, Speaker & Author

A separated man with two kids and survived in all the trials in life.  I may say I’m not an expert with all the trials but honestly ...

NETWORK
REVOLUTION

 

FREE TRAINING
(Valued at Php 2,995.00)
 

 

I stopped doing,

but no to think.

Business Plan

Writing A-Z

 
FREE COURSE
(Valued at $250)
 

Learn all you need in order to create a

stellar business plan for your endeavor!

My eBook
 

FOUR CYCLE OF SUCCESS

"Kapag maliit ang kumot matutong

mamaluktot"

Search By Tags

©2014 by EXOUSIA. Proudly created with Wix.com

  • Facebook Black Round
  • Google+ Black Round
bottom of page